News

Bayan ng Pagbilao sumailalim sa validation para sa 2017 SGLG

Sumailalim sa balidasyon ang lokal na pamahalaan ng Pagbilao sa Lalawigan ng Quezon para sa 2017 Seal of Good Local Governance kamakailan. Isang delegasyon mula sa DILG Region 6 ang bumisita sa bayan ng Pagbilao sa pangunguna ni Ginoong Oscar Lim. Ang grupo nila Lim ang siyang magba-validate at magsisiyasat sa mga aktibidad ng pamahalaang lokal ng Pagbilao. Titignan ng mga ito ang mga programa at proyekto ng bayan, mga serbisyo at sistema ng paghahatid nito at iba pang parte ng pamamahala upang makita kung qualified ba ang mga ito para sa Seal of Good Local Governance award. Sumailalim sa pagsusuri ang MPDO o Municipal Planning and Development Office, Disaster Risk Reduction Management Office o MDRRMO, Municipal Social Welfare and Development Office, Business Permits and Liscensing Office, Municipal Health Office at Municipal Environment and Natural Resources.

Para sa 2017 SGLG award, kailangang makapasa sa mas mahigpit na 4+1 assessment criteria ang isang LGU. Ang ibig sabihin nito ay kailangang makapasa sa apat na core areas ang LGU, Financial Administration, Disaster Preparedness, Social Protection, at Peace and Order. ang plus one ay alinman sa Business friendliness and competetiveness, Environmental Protection at Trourism, Culture and Arts. Bukod naman sa pagkilala at makakakuha rin ng cash incentive ang lokal na pamahalaang kikilalanin sa 2017 Seal of Good Local Governance

Pin It on Pinterest