News

Bayan ng Sampaloc, Quezon nagsagawa ng cooking contest kaugnay ng Nutrition Month

Bilang bahagi ng pagseselebra ng Nutrition Month ngayong buwan ng Hulyo ay nagsagawa ng isang aktibidad ang iba’t ibang paaralan sa bayan ng Sampaloc sa Lalawigan ng Quezon sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan. Nagkaroon ng isang contest sa pagluluto ang mga mag-aaral katuwang ang kanilang mga guro ng iba’t ibang paaralan sa bayan. Ang mga lutuin ng mga nag-participate ay iba’t ibang klase ng pagkain pero naka-anchor sa dalawang sangkap na Malunggay at Monggo. Ilan sa mga niluto ay Monggo Molo Soup, Super Siomai, Ginataang Munggo na may puso ng saging, Lumpia at iba pang mga lutuin na pinasustansya ng iba’t ibang klaseng gulay.

Ang mga aktibidad ng Nutrition Month ay isinasagawa tuwing buwan ng Huly taon taon na may layuning ipaalam sa lahat ng Pilipino ang kabutihan ng pagkakaroon ng tamang nutrisyon sa katawan. Pagkilala sa mga pagkaing masustansya at ang pagkakaroon ng healthy diet. Ang tema ng Nutrition Month para ngayong 2017 ay “Healthy Diet, gawing habit – for life!” Layunin nitong i-promote sa bawat isa ang healthy diet upang mabawasan ang mga Pinoy na overweight, at obese upang maiwasan naman ang pagkakaroon ng iba’t ibang klaseng sakit.

Pin It on Pinterest