Bayan ng Sto. Tomas 3rd place sa Economic Dynamism
Natamo ng bayan ng Sto. Tomas sa Lalawigan ng Batangas ang ikatlong pwesto sa katatapos lamang na Regional Competetiveness Summit. Ikatlo ang bayan ng Sto. Tomas sa Economic Dynamism sa taunang Annual Cities ang Municipalities Competetiveness Index sa kategorya ng 1st at 2nd class municipalities. Ginanap ang pag-a-award sa mga Local Government Units sa Philippine International Convention Center sa Pasay City. Mismong ang alkalde ng bayan, Mayor Edna Sanchez ang tumanggap ng pagkilala kasama ang buong Sangguniang Bayan ng Sto. Tomas at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan. Ayon sa Sto. Tomas LGU, magandang idikasyon ang pagkilala sa kanilang bayan dahil nasa proseso rin ang Sto. Tomas ng pagiging isang lungsod.
Isinasagawa ang Cities and Municipalities Competitiveness Index taun-taon upang makita o masukat ang pagiging produktibo ng isang bayan, lungsod o lalawigan. Sinasaklaw nito hindi lamang ang mga lokal na pamahalaan kundi maging ang mga nagagawang ambag ng pribadong sektor. Sa pamamagitan nito ay makikita ng mga LGU o Local Government Units kung maaari pang i-improve ang serbisyo publiko. Magagamit naman ito ng pribadong sektor upang malaman kung saan mas epektibong maglagay ng mga negosyo.