Bayan ng Sto. Tomas nagpa-alala sa mga kababayan ng mahigpit na pagpapatupad ng plastic ban
Umikot ang mga kawani ng bayan ng Sto. Tomas sa lalawigan ng Batangas upang mamahagi ng mga karatula o signages para magpaalala sa mga kababayan nito ng mahigpit na implementasyon ng Municipal Ordinance No. 2011-085 na nagbabawal ng paggamit ng plastic sa bayan ng Sto. Tomas. Pinangunahan ni Engr. Ruel Padullo ng Municipal Environment and Natural Resources ang mga kawani nito ang pamamahagi ng mga stickers at iba pang signages na nagsasabing bawal ang plastic sa buong bayan. Ayon sa lokal na pamahalaan, ipinaaalala din nito sa mga mamamayan na mahigpit na ipinatutupad ang total plastic ban.
Ang total plastic ban ay ipinatutupad o ipinatupad na rin sa iba’t ibang bahagi ng bansa maging sa ilang bayan at syudad sa lalawigan ng Quezon. Karaniwan nang ipinagbabawal gamitin sa mga lugar na mayroon batas tungkol dito ang mga plastic straw, plastic bags, disposable na lalagyan ng inumin na yari sa plastic at iba pa na maaaring maging kalat at makabara sa mga drainage system ng isang bayan o lungsod.