BFAR 4A nagsagawa ng pagsasanay ukol sa ‘Fish Processing’
Kamakailan ay nagsagawa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR 4A ng isang pagsasanay sa ‘Fish Processing’ para sa 25 Extension Officers mula sa rehiyon ng CALABARZON.
Bilang panimula, nagsagawa ng isang orientation ukol sa mga paunang kaalaman at wastong pamamaraan sa pagpoproseso ng isda.
Kaugnay nito, nagkaroon din ng hands-on training sa paraan ng pagtitinapa, pagdadaing at de-boteng isda.
Ito ay ginanap sa Multi-purpose Hall ng kawanihan sa pangangasiwa ng Fisheries Post-harvest and Marketing Section at Regional Fisheries Training and Fisherfolk Coordination Division.
Ang nasabing pagsasanay ay alinsunod sa Executive Order No. 138, series of 2021 o ang Mandanas Law kung saan, ang mga tungkulin at pasilidad ng National Government ay isasalin sa lokal na pamahalaan upang pagtibayin ang desentralisasyon at mas maisaayos ang serbisyong pampubliko sa bansa.