News

BFP Lucena, patuloy ang isasagawang Training, Seminar sa mga barangay para sa pag-apula ng sunog

Pinangunahan ng Lucena City Fire Station ang regular na flag raising ceremony ng Pamahalaang Panlungsod ng Lucena nitong Lunes ng umaga, March 6.

Iniulat ni Fire Superintendent Aurelio Zalun, City Fire Marshal ng Lucena, na patuloy kanilang pagsasagawa ng mga emergency and rescue seminars sa lahat ng barangay sa lungsod.

Layunin nitong magkaroon ng sapat na kaalaman ukol sa pagresponde sa iba’t ibang uri ng mga sakuna at aksidente.

May kaugnayan pa rin ito sa patuloy na paghahanda para sa Fire Prevention Awareness Month ngayong buwan.

Ang nasabing seminar ng BFP Lucena ay malaki raw ang kontribusyon nito sa komunidad ukol sa pagresponde sa iba’t ibang uri ng sakuna at kalamidad sa buong lungsod.

Bukod dito, patuloy din ang kanilang pag-papaalala sa mga mamamayan ng mga tips para makaiwas sa sunog sa pamamagitan ng “Oplan ligtas na Pamayanan” kung saan kada linggo ay nag-iikot sila lungsod.

Pin It on Pinterest