News

Biyahe ng PNR Lucena City – Calamba City, sinimulan na ngayong araw

Sinimulan na ngayong araw ang biyahe ng Philippine National Railways train mula sa Calamba City hanggang Lucena City and vice versa.

Ayon sa PNR, ang Inter-Provincial Commuter Lucena – Calamba City ng Philippine National Railways ay duduktong sa una ng binuksan na San Pablo-Lucena City route.

Ang inisyal na schedule ay mayroon lamang tig-isang biyahe ng tren sa maghapon, araw araw.

Sa ganap na alas 4:50 ng umaga aalis ang naturang tren mula sa Lucena PNR Station, at ang Calamba to Lucena naman ay tuwing alas 6:30 ng gabi.

Ang oras ng pagtakbo mula Lucena hanggang Calamba ay 2 hours and 33 minute, habang ang oras ng pagtakbo mula Lucena hanggang San Pablo ay one hour and 32 minutes.

Base sa fare matrix na inilabas ng PNR, Php 105.00 ang pamasahe mula Lucena City patungong Calamaba habang Php 84.00 naman para sa may 20% discount tulad ng senior citizens, estudyante at persons with disabilities o PWD.

Ilan pa sa mga istasyon na titigilan ng naturang byahe ay ang Sariaya, Lutucan, Candelaria, Tiaong, San Pablo, IRRI, College, Los Baños, Masili at Pansol.

Samantala ayon pa rin sa PNR, mananatili naman ang dati ng San Pablo-Lucena City and vice versa schedule ng PNR na unang ng binuksan noong June 26.

Pin It on Pinterest