News

Biyaheng Bukid ng Department of Agriculture nakarating na ng Batangas

Iba’t ibang mga programang pang-agrikultura ang inihatid ni Department of Agriculture Sec. Manny Pinol sa pagbisita sa lalawigan ng Batangas kamakailan sa ilalim ng programang “Biyaheng Bukid.” Sa pamamagitan ng DA Region IV-A Field Unit, pinangunahan ni Sec. Pinol ang pagkakaloob ng P1.4M sa pamahalaang lungsod ng Tanauan bilang pambili ng refrigerated van. Sa ilalimg ng programang “Agri-Pinoy Trading Center-Transport Facility,” ang van magsisilbing transport facility sa paghahatid ng mga produktong agricultural ng lungsod sa mga pinagbabagsakang institusyon at pambulikong pamilihan.

Binisita rin Pinol ang kasalukuyang ginagawang palengke, bagsakan at slaughterhouse na matatagpuan sa barangay Sambat, Tanauan City. Matapos ang pagbisita sa Tanauan, dumalo si Sec. Pinol sa “Tapatan: Gobyerno at Mamamayan,” isang dayalogo sa pagitan ng mga punumbayan at punonglungsod at samahan ng mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan na ginawa sa Lipa City. Mahigit P100M farm equipment ang ipinamahagi ng Department of Agriculture na tinanggap ng mga mayors ng iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Batangas.

Pin It on Pinterest