BJMP Quezon, nagkasa ng outreach program sa pagdiriwang ng Araw ng Puso
Maagang ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Quezon District Jail bilang bahagi ng kanilang Pre-Valentine’s Day Outreach Program para sa mga piling mag-aaral ng Bigo Elementary School sa bayan ng Pagbilao, Quezon, Peb. 13.
Sanib-pwersang nagsagawa ang grupo ng tree planting/nurturing at clean-up drive sa paligid ng nasabing pambublikong paaralan na may temang ‘Love Affair with Nature.’
Nagkaroon din dito ng read-a-book sa mga kabataan na sinundan ng feeding program at information drive sa komunidad.
Katuwang sa programa ng BJMP ang Philippine Coast Guard (PCG)-Southern Quezon Station at Bureau of Fire Protection (BFP)- Pagbilao Fire Station.
Ayon kay Jail Officer 3 Joefrie Anglo, hepe ng community relations service unit ng BJMP Quezon, ang programa ay isang positibong hakbang tungo sa pagpapalakas ng ugnayan at pagkakaisa sa pagitan ng pamahalaan at mamamayan. Patunay din umano ito ng dedikasyon ng tanggapan upang tugunan ang mga puwang sa edukasyon tungo sa positibong pagbabago at kaunlaran.