Blood letting program isinagawa sa Ibaan, Batangas
Matagumpay ang isinagawang Blood Olympics sa bayan ng Ibaan kamakailan sa tulong ng mga opisyal ng bayan at ni Mayor Danny Toreja at Sangguniang Bayan nito. Naging kabalikat din sa programa ang Saint James The Greater Church, na may programang Juan Blood Life, “Dugtong Buhay, Alay sa Mamamayan ni Santiago Apostol, Kaisahan ng sambayanan ni Poong Santiago sa patuloy na paglago sa Ikalawang sentenaryo” na pinangungunahan ni Fr. Randy Randy Marques at mga parokyano ng simbahan.
Mahigit dalawang daang bags ng dugo ang nakolekta sa tulong ng Batangas PNP, Department of Education at mga opisyales ng Barangay ng Ibaan. Ang blood letting program ay suportado ng Provincial Blood Council katuwang ang Provincial Health Office, Philippine Red Cross at Batangas Medical Center.
Bahagi ang aktibidad ng pagdiriwang ng taunang Sandugo Awards na may temang “Give Blood, Give Now, Give Often” para sa taong 2017. Ang Provincial Sandugo Awards ay ginaganap upang kilalanin at bigyang pugay ang mga bayaning Batangueno na kaisa ng lalawigan sa pagtulong na makalikom ng sapat na blood supply na magagamit sa pagdugtong ng buhay sa kapwa sa pamamagitan ng blood donation.