News

Bloodletting activity, inilunsad ng Maagap Quezon Eagles Circle #102

Ilan daw sa mga layunin ng The Grand Fraternal Order of the Philippine Eagles International ang magsagawa ng mga programang sasagip sa buhay ng tao na bahagi ng kanilang socio civic responsibility bilang isang civic organization halimbawa ng paglulunsad ng bloodletting activity.

Umaga ng February 16, katuwang ang Philippine Red Cross, Department of the Interior Local Government Lucena City at Federation of Lucena Homeowner’s Association naglunsad sa Lucena City ang Maagap Quezon Eagles Circle # 102 ng ganitong uri ng programa na ayon sa Pangulo nito na si Engr. Danny Gonzales ay layuning makapag-ambag sila ng stock na dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan upang kahit paano raw sa donasyong dugo na ito magkapagdugtong ng buhay.

Nagdonate ng dugo ang mga miyembro ng kanilang oraganisasyon at ilang kasapi ng nasabing Homeowner’s organization.

Sabi ng ilang donor tulad ni Mona Carandang, sa pag babahagi ng iyong dugo sa nangangailangan ay magandang benepisyo rin daw sa iyong sariling kalusugan sabi nya hindi ka lang nakatulong sa iba natulungan mo rin ang iyong sarili.

Target ng Maagap Quezon Eagles Circle # 102 na silang may inisyatibo ng programa na makalikom ng higit 20 bags ng dugo, mas marami pa raw dito ay mas mainam dahil sa malaking kakulangan ng stock ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailan batay sa datos ng Red Cross sa Quezon Province kailangan talaga raw ng mga ganitong inisyatibo ang programang ito ng Maagap Quezon Eagles Circle # 102 ay malaking bagay.

Ang mga donasyon na dugo na kanilang nalikom ay idadaan pa sa mga pagsusuri at iimbak sa blood bank.

Samantala, sa nasabing bloodletting activity, dumaan sa tamang proseso bago isalang ang mga donor upang matiyak na walang aberya.

Ang magdodonate ay dumaan sa screening, kinuha ang kanilang vital sign, timbang, blood pressure, body temperature, dumaan sa blood typing at hemoglobin screening upang malaman kung anemic o hindi ang isang donor.

Ang ganitong uri ng programang ay plano pang masundan ng nabanggit na organisyon.

Pin It on Pinterest