News

Bloodletting activity, inilunsad ng QHNS Batch 1995, upang makapagdugtong ng buhay

Isang bloodletting activity ang inilunsad ng Quezon National High School Batch 1995 na layunin daw na magdugtong buhay.

Sinabi ni Benedict Jayson Lapeña ang Presidente ng QNHS Batch 1995 na imbes daw magliwaliw para sa kanilang get to together, mas minabuti ng kanilang batch na maglunsad ng isang programa na higit makabuluhan hindi lang para sa kanilang mga sarili maging sa iba na posibleng magsalba ng buhay.

‘’Nakaisip kami ng activity na pwedeng mapakinabangan, hindi na rin kami bumabata marami na rin kaming mga kabatchmate na may karamdaman so kahit may mga pera nahihirapan silang maghanap ng dugo kahit mayroon silang pambayad nakakaabot silang pambayad pero hirap silang mahanap, so ito inilapit namin sa kanila na pwedeng tulong naming hindi lang laging pera ang hihihinging tulong.”

Kapartner sa programang ito ang Quezon Medical Center, sa taltong bag ng dugo na malilikom ang isa dito ay mapupunta sa batch na nag-organisa at ang dalawa ay sa QMC at ilalagay sa blood bank ng ospital matapos itong suriin.

Simula raw ng magluwag ang restriksyon buhat ng COVID-19 Pandemic pang-apat na bloodletting activity na ito na inorgainasa ng kanilang batch, ang ilan sa kanilang batch mate buhat noon ay wala pang palya sa pagdodonate ng dugo.

‘’Nakakatulong sa ating kabatch na may sakit kahit paano na nakakatulong ka ng wala kang inilalabas na pera.’’

Sabi pa ng ilan sa kanila hanggat may dugo raw, patuloy magdodonate.

Katwiran naman ng iba, bukod sa pagsuporta sa programang ito ng kanilang batch, ay nakatulong kana sa iba, natulungan mo pa ang iyong saril sa magandang benepisyo raw sa katawan ng pagpapakuha ng dugo.

‘’Marami siyang benepisyo nakakabata nakakarelax parang ganoon bata nakakatulong sya lalo ngayon maraming nangangailan ng dugo.”

Sa Covert Couth ng DRRMO Building sa Lucena City, nagtitipon ang miyembro batch 1995, hindi lang Bloodletting ang kanilang aktibidad may handog din silang libreng gupit ng buhok.

Simula alas 8:00 ng umaga haggang alas 12:00 ng tanghali, March 4, nakalikom ang kanilang grupo ng 26 na bags ng dugo, malaking tulong ito sa mga nangangailangan.

Ang ganitong programa ng kanilang batch ay pagpapatuloy daw, dahil ang pagtulong ay hindi lang daw sa pamamagitan ng pera.

Pin It on Pinterest