News

Booster Shot Para Daw sa Kaligtasan ng mga Kabataan

Sang-ayon si Nanay Mimi, isang Lucenahin, na pabakunahan ang kanyang anak ng COVID-19 booster shot laban sa COVID-19 para matiyak ang kaligtasan ng kanyang mga anak.

“Oo, para sa safety din ang mga bata, meron ang magulang edi dapat meron din ang mga bata kasi syempre pag-aalis ang mga magulang gusto kasama ‘yung mga anak nila o kaya mas okay kaya nga ako nag-iisip kung saan ako kukuha ng slot para mapabakunahan ‘yung aking mga anak.”

Kung si Nanay Marites naman ang tatanungin, pabor siya na turukan ng booster shot ang kanyang anak dahil magbibigay daw ito ng dagdag proteksyon laban sa virus.

“Siguro, para ligtas sila sa mga sakit kasi malaking tulong ang bakuna.”

Pabor din dito si Angelica na bigyan ng booster shot ang mga bata dahil katwiran niya kung dapuan man ng sakit na COVID-19 ang isang bata ay hindi magiging malala ang epekto ng COVID-19.

“Opo, para kung sakali man na tamaan sila ng hindi naman inaasahan na COVID para hindi po masyadong malala.”

Sa ngayon ay pinag-aaralan pa ng mga eksperto sa kalusugan ang pagbibigay ng COVID-19 booster shot o ikatlong turok ng bakuna sa mga batang may edad 12 hanggang 17, ayon sa Department of Health o DOH.

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa ngayon, wala pa ring sapat na ebidensiya na ang mga batang sa nasabing age group ay nangangailangan ng booster doses ng COVID-19 vaccine.

Kung inaprubahan ng health experts sa bansa ang nasabing panukala, sinabi ni Vergeire na may sapat namang pondo ang gobyerno para makuha ang mga kinakailangang bakuna.

Pin It on Pinterest