News

Brgy. 1 sa Lucena City, walang naitalang kaso ng dengue

Walang naitalang kaso ng dengue sa Barangay Uno sa Lungsod ng Lucena.

Ito ang kinumpirma ni Kapitan Herminia Abuel sa panayam ng Bandilyo.ph at 89.3 FM Max Radio.

Ayon kay Abuel, nananatiling zero sa naturang kaso simula Enero hanggang Octukbre ngayong taon.

“Wala naman awa ng diyos wala naman.”

Aniya, sa kabila ng walang naitatalang kaso sa nasabing barangay ay patuloy ang pagsasagawa nila ng mga kampanya kontra dengue.

Target daw kasi ng barangay na lahat ng lugar ay mapuntahan para magsagawa ng misting operation.

“Syempre yang pagmimisting nayan ng ibaba sa amin ang gamot ng City Health galling DOH ay amin nang iniano yang araw nung Sabado nga kami ay nagmisting dito sa daycare center ang ating iniuna pagkatapos ay punta kami ng Lucena North 1 pagkatapos ng Lucena North 1 punta kami ng riverside, ngayon nga ay ilang purok pa ang hindi namin napupuntahan,” ayon kay Kap. Abuel.

Malaking bagay aniya ang pagpapanatili ng kalinisan sa naturang mga lugar kabilang na rito ang lingguhang clean up drive at pagpapaigting ng information dissemination sa mga mamamayan.

Pin It on Pinterest