Brgy. 2, tututukan ang tamang pamamahala ng basura sa barangay
Patuloy na gumagawa ang pamahalaang barangay ng Brgy.2, Lucena City ng mga pamamaraan upang higit pang maging maayos ang kanilang pamamahala sa basura, ‘yan ang ibinahagi ni Kgd. Arnold Jaro, chairman ng committee on solid waste management.
“Kami po sa barangay ay patuloy at patuloy na gumagawa ng pamaraanan upang mas maimprove pa namin kung ano ang mas maganda naming magagawa para sa sistema namin ng pamamasura dito sa aming barangay,” pahayag ni Kgd. Jaro.
Bagama’t ang Sangguniang Brgy. 2 ay awardee sa tamang pamamahala ng basura.
Ayon pa kay Jaro, plano rin nilang palakihin ang Material Recovery Facility (MRF) ng kanilang barangay.
Samantala, sinabi pa ng kagawad na mahalaga na mayroong MRF dahil dito naisasaayos ang mga bagay na pwedeng pakinabangan pa.