Brown Booby Bird, pinakawalan sa Atimonan
Pinakawalan sa kanyang natural habitat sa Bayan ng Atimonan Quezon ang isang ibon na narescue ng Municipal Environment and Natural Resources Office ang uri ng ibon ay isang Brown Booby.
Matapos masuri at magawan ng kaukulang dokumentasyon tulayan nang pinakawalan ng MENRO Atimonan sa karagatan ng Lamon Bay sa bahagi ng Atimonan ang naturang ibon na binansagan nilang “Angot” noong March 28, 2023.
Ang naturang uri ng ibon ay isang endangered species.
Na-rescue ito ng MENRO Atimonan sa Barangay Angeles noong March 26, at pansamantalang inalagaan upang malaman ang kondisyon at isailalim sa mga pagsusuri bago tuluyang ibalik sa kanyang natural na tahanan.
Ang brown booby ay isang migratory bird, matatagpuan sa mga tropikal na karagatan sa buong mundo.
Hinihikayat ng Atimonan LGU ang mamayan sa kanilang bayan na pangalagaan at protektahan ang mga wild life animal na napapadpad sa kanilang lugar.