News

Business Establishments na may Safety Seal at Empleyadong Fully Vaccinated Dadagdagan ang Pwedeng I-accommodate

Hinihikayat ng Pamahalaang Lokal na magpa-safety seal ang mga establisyimento sapagkat ito ay para na rin sa kapakanan ng mga kustomer.

Ito ang pahayag ni Lucena City Business Permit and Licensing Office OIC, Arween Flores sa Bandilyo.ph sa panayam ng ‘Usapang Tapat ni Manong Nick’.

Sinabi pa ng OIC na regular ang kanilang pagmomonitor dahil ang safety seal ay tumatagal lamang ng anim na buwan.

Ayon pa din kay Flores na may dagdag na 10% capacity ang establishment na may Safety Seal Certifications at 20% fully vaccinated na mga empleyado.

“May plus 10% pa sila kung sila ay merong safety seal certification at on top of that po meron pa pong bonus, madadagdagan pa po yung kanilang pwedeng papasukin sa establishment nila kung lahat po ay vaccinated na so ini-encourage po lahat ng staff ay magpa-vaccinate,” ayon kay Flores.

Aniya, nahirapan daw sila noong una dahil limitado lang ang mga pang-vaccine na natatanggap. Ayon pa din kay Mr. Arween Flores na halos lahat daw ng establisyimento sa ngayon ay mga fully vaccinated na.

Pin It on Pinterest