Business Sector sa Lucena City, Pinasalamatan ni Coun. Manong Nick Pedro
Pinasalamatan ni Lucena City Councilor Nicanor Pedro Jr. ang business sector sa Lucena City sa partnership ng mga ito sa pagitan ng lokal na pamahalaan sa pagpapalago ng lokal na ekonomiya. Bagamat dumaan sa mabigat na pagsubok ang halos lahat ng negosyante sa pagtama ng pandemya bunsod ng COVID-19 patuloy na bumabangon sa syudad ang komersyo at kalakalan sa pamamagitan ng mga negosyante na sinasabing lifeblood ng ekonomiya.
Pahayag ng konsehal, “wala ng iba pang karapat dapat na salita na dapat i-ukol sa inyong mga backbone ng komersyo at pangagalakal dahil bahagi kayo ng ganitong klase ng kalagayan, na bagamat naapektuhan ay nagpapatuloy pa ang partnership na ginagawa ninyo, ng ating mga negosyo dito lungsod, maraming maraming salamat po!”
Samantala sa kabila ng kinaharap na pandemya, batay sa datos ng lokal na pamahalaan may 55% growth para sa mga bagong negosyo sa Lungsod ng Lucena.
Sa harap ng mga negosyante ng Lucena City, sa ginawang Business Forum ng LGU noong October 25, 2021 ay sinabi ni Konsehal Pedro, na isa ring maliit na negosyante,na alam niya ang naging kalagayan ng business sector ng Lunsod sa kinaharap na pandaigdigang krisis pangkalusugan na lahat ay naapektuhan.
“Sino ang hindi makakapagsabi na lahat ay nagkaroon ng epekto sa ating mga buhay (ang pandemya) hindi lang sa inyong negosyo. Maliit na negosyante rin po ako at alam ko kung anong epektong dumating sa ating lahat.”
Pero ayon sa opisyal, mabait ang panginoon. Mabait pa rin daw ang pangyayari dahil sa kabila nito, sa pamamagitan ng mga mamumuhunan ay may pagtaas pa ng pagne-negosyo sa Lucena.
Sa Bunisness Forum sa harap ng mga mamumuhunan, hinikayat naman ni Mayor Roderick Alcala ang mga lokal na negosyante na magtayo pa ng mga businesses sa lungsod matapos na ipakita ang mga plano sa Lucena City sa susunod na sampung taon na sinasabing higit pang magpapaunlad dito.