Buy Local Advocacy Program, Isinusulong sa Dolores, Quezon
Isinusulong sa Sangguniang Bayan ng Dolores, Quezon ang panukalang magpapalakas sa mga lokal na negosyo.
Sa ordinansa na sumusuporta sa Buy Local Advocacy Program, iminumungkahi na magamit ang hindi bababa sa 10 porsyento sa Approved Annual Procurement Plan (APP) ng bawat departamento ng lokal na pamahalaan para sa pagbili ng mga lokal na produkto at serbisyo ng mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs).
Hinihikayat nito ang direktang pagsisimula at pag-unlad ng mga lokal na negosyante habang pinapanatili ang lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga lokal na produkto at serbisyo.
Nakapagpahayag ang publiko ng kanilang mga katanungan hinggil sa ordinansa sa isinagawang pagdinig na dinaluhan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, kinatawan mula sa DTI at iba pang local officials.
Inaasahan na sa pamamagitan ng ordinansa mapapataas ang benta at distribusyon ng mga lokal na produkto, kasabay ang pagtatag ng lokal na ekonomiya ng bayan.