CALAX Project nag ground breaking na sa parte ng Laguna
Nagkaroon ng isang ground breaking ceremony sa isang bahagi sa lalawigan ng Laguna para sa isang road project na makapagpapabilis ng biyahe ng mga motorista. Hudyat ng paguumpisa ng proyekto ang ground breaking ceremony sa Lungsod ng Sta. Rosa para sa CALAX o Cavite-Laguna Expressway project. Ayon sa opisina ni Laguna Governor Ramil Hernandez, ang 18 kilometer expressway ay magdudugtong sa CAVITEX sa Kawit at sa Mamplasan Interchange naman sa bahagi ng Lalawigan ng Laguna. Inaasahang ang 4 lange expressway ay magpapaikli ng biyahe ng mga motoristang nagtatrabaho sa mga lugar na dadaanan ng proyekto. Mababawasan din anila ang nararanasang sikip ng daloy ng trapiko sa Sta. Rosa-Tagaytay Road sa Lalawigan ng Laguna oras na matapos ang CALAX project na ito ng pamahalaan.
Dinaluhan ng iba’t ibang opisyal ng pamahalaan mula sa Laguna at Cavite ang groundbreaking ceremony para sa expressway. Dumating din sa okasyon si DPWH Sec. Mark Villar at binisita ang inisyal na lugar na pag-uumpisahan ng road project.