Cancer Awareness Symposium, isinagawa sa Tayabas City
Nagsagawa ng Cancer Awarenes Symposium ang City Government of Tayabas sa pamamagitan ng City Health Office Non-Communicable Disease Prevention and Control Program.
Layunin ng taunang information, education and communication strategy on Cancer Awareness na mapalawig ang kaalaman hinggil sa early detection o maagang pagtuklas ng mga lifestyle diseases, tulad ng cancer na nananatiling pangatlo sa pangunahing sanhi ng pagkakasakit at pagkamatay sa bansa.
Bahagi ng symposium ang pagbibigay ng kaalaman hinggil sa mga karaniwang sintomas ng cancer.
Gayundin ang mga paraan upang maiwasan ito at ang kahalagahan ng maagang pagtuklas upang maiwasan ang paglubha ng karamdaman.
Kabilang sa mga nakilahok ang Tayabas Buntis Cares o TBC na katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagkakaloob ng mga pangunahing serbisyong medical at ilang identified high risk individuals.
Naging tagapagsalita at tagapagpadaloy naman ng programa sina CHO Dr. Hernando C. Marquez, NCD Coordinator Arvic Jhoanne S. Palayan at Nursing Attendant Jovelyn A. Tadiosa.