News

Christmas decors na gawa sa niyog, ibinida sa Mulanay, Quezon

Isa sa mga kilalang atraksyon ngayon sa Bayan ng Mulanay ang mga christmas decoration na gawa mula sa niyog.

Ang mga produktong mula sa niyog ang isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan ng mga Mulanayin.

Kaya naman ibinibida ng Bayan ng Mulanay ang mga pamaskong palamuti na gawa mula sa niyog.

Ayon kay Vice Mayor Jay Esplana Catilleja, pagpasok pa lamang ng ber months ay nagkaroon na ng conceptualization patungkol sa paggawa ng mga disenyo ng mga Christmas decor.

Ito ay bilang pasasalamat sa mga biyayang patuloy na tinatanggap ng mga mamamayang Mulanayin mula sa Industriya ng niyog.

Hinihikayat din ni Mayor Aris Aguirre ang mga residente ng Mulanay na maging malikhain sa pamamagitan ng paggamit ng mga organikong materyales para sa paggawa ng mga pampaskong dekorasyon para ma-protektahan ang kalikasan.

Pin It on Pinterest