City Agriculturist Office, itinanghal na best implementer ng programang “Sa Lucena, VIP ka’ sa unang Linggo ng Mayo
Tinanghal ang Office of the City Agriculturist na Top 1 Implementer ng programang ‘Sa Lucena, VIP Ka’ Program ng Pamahalaang Panlungsod ng Lucena sa pamumuno ni Mayor Mark Alcala para sa unang Linggo ng Mayo na may kategoryang Big Offices.
Ito ay may average na 83.61%, Top 2 ang City Social Welfare and Development Office na may average na 82.69% habang Top 3 ang Office of the Secretary to the Sanggunian na may average na 80.49%.
Iginawad ang Certificate of Recognition ng Alkalde kasama sina Vice Mayor Roderick Alcala, City Administrator Anacleto ‘Jun’ Alcala Jr. at City Human Resource Management Officer Criselda David kasama ang mga konsehal ng Sangguniang Panlungsod kasabay ng isinagawang regular na flag raising ceremony nitong Lunes ng umaga, May 8.
Naging Top 1 naman sa kategoryang small offices ang Business Permit and Licensing Office na may average na 85.62% habang Top 2 ang Lucena PESO na may average na 84.97% at Top 3 ang City Tourism Office na may average na 83.66%.
Samantala, itinanghal namang overall winners’ ng Lucena VIP Program para sa buwan ng April 2023 ay ang City Social Welfare and Development Office na may average na 79.88% sa katergoryang Big Offices at City Tourism Office na may average na 81.48% sa kategoryang Small Offices.