News

Clean Up Drive isinagawa sa Sto. Tomas, Batangas

Upang mapanatili ang kalinisan at makaiwas ang mamamayan nito sa mga sakit, nagsagawa ng clean up drive ang pamahalaang pambayan ng Sto. Tomas sa Lalawigan ng Batangas kamakailan. Isinagawa ang paglilinis sa bahagi ng Barangay San Rafael sa pangunguna ng Municipal Environment and Natural Resources o MENRO, mga kawani ng pamahalaang lokal at iba’t ibang civic organization ng kanilang bayan. Katuwang din ang mga kawani ng Star Tollway-MATES sa paglilinis sa barangay na nakakasakop sa bahagi na pinamamahalaan nilang expressway.

Ang aktibidad na ito sa bayan ng Sto. Tomas ay regular na ginagawa sa iba’t ibang barangay hindi lamang upang maging kaaya-aya ang lugar kundi maging ligtas din sa mga sakit na dala dala ng mga insektong naninirahan sa maruruming lugar. Bumisita rin sa isinagawang aktibidad si Mayor Edna Sanchez upang sumoporta at makiisa sa gawain ng lokal na pamahalaan.

Pin It on Pinterest