News

Coastal clean-up at mangrove tree planting, isinagawa sa Guinayangan bilang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan

Nakiisa ang mga kabataan sa bayan ng Guinayangan,Quezon sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan sa pamamagitan ng paglulunsad ng ilang aktibidad.

Kahalagahan ng pagpapanatili ng malinis na kapaligiran ang bingyang-prayoridad ng mga ito kabilang ang pagsasagawa mangrove tree planting at coastal clean-up.

Ipinagdiriwang ang tuwing buwan ng Agosto na may tema ngayong taon na “Green Skills for Youth: Towards a Sustainable World”.

Pinangasiwaan ang aktibidad ng Local Youth Developmental Office sa pangunguna ni Mariel Apolonio at Sangguniang Kabataan Municipal Federation.

Kasama rin dito ang PNP at BFP-Guinayangan at ang International Institute of Rural Reconstruction.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang mga ganitong aktibidad ay isang patunay lamang na ang mga kabataan ng bayan ng Guinayangan ay progresibo at may malasakit sa kalikasan.