Coastal Clean-up Drive, Nilahukan ng Iba’t ibang Ahensya sa General Nakar, Quezon
Nakiisa ang iba’t ibang ahensya at tanggapan ng lokal na pamahalaan ng General Nakar sa isinagawang coastal clean-up ngayong araw, Marso 8.
Lumahok sa aktibidad ang mga empleyado ng DILG, BIR, DTI, PNP, AFP, BFP, Philippine Coast Guard at iba pang mga ahensya kung saan naglinis at namulot ng samo’t saring basura sa baybaying sakop ng Brgy. Pamplona at Brgy. Catablingan.
Ang Municipal Environment & Natural Resources Office at Municipal Engineering Office naman ang s’yang namahala sa pagkolekta ng mga basura.
Ayon sa LGU, ito ay bahagi ng preparasyon para sa gaganaping MountainCross event sa bayan at bilang paghahanda na rin sa nalalapit na summer vacation at Semana Santa. Bukod sa coastal clean-up, nagsagawa rin ng malawakang Linis-Bayan na pinamunuan ng mga opisyales ng mga barangay para sa paglilinis ng kani-kanilang nasasakupan.