News

Comelec, pahahabain ang oras ng botohan sa 2019; ilang Lucenahin pumabor sa desisyon

Isang pribilehiyo sa mga Pilipino ang pumili ng tamang kandidato o bumoto sa isang halalan. Kaya naman marami sa publiko ang pabor sa pagpapasya ng Commission on National Election (COMELEC) na palawigin ang oras ng botohan sa halalan sa 2019.

“Para lahat makaboto,” pahayag ni Mang Eduardo.

“’Yong ibang nangangailangan e makahabol sa boto,” sabi naman ni Mang Antonio.

Bubuksan ang botohan simula alas-sais ng umaga hanggang alas-sais ng gabi. Papahintulutan pa ring bumoto ang mga nasa 30m radius ng polling center kahit na lampas sa oras. Tatlong beses lamang tatawagin ang botante, kung hindi ito magpapakita sa polling precint hindi na makakaboto.

Ayon sa publiko, sa pasyang ito ng COMELEC posibleng mabawasan na ang pagsisiksikan o mahabang pila sa pagboto.

Pin It on Pinterest