News

Commander ng Area Police Command – Southern Luzon, bumisita sa Quezon PPO

Personal na bumisita si Police Lieutenant General Rhoderick Armamento, ang Commander ng Area Police Command sa Southern Luzon kasama ang miyembro ng Area Police Command Staff- PBGEN Belli Tamayo – Acting Deputy Commander at PBGEN Arcadio Ronquillo Jr., Executive Officer sa Quezon Police Provincial Office Conference Room nitong Martes, January 17.

Dumalo sa naturang pagpupulong ang lahat ng QPPO Command Group and Staff sa pangunguna ni PCOL Ledon Monte, ang Provincial Director ng Quezon PPO kasama ang Force Commanders, Chief of Police at Support Units.

Isinagawa ang ganitong uri ng aktibidad upang sama-samang balangkasin ang mga programang naisagawa at ang mga programang isasagawa upang higit na masuri ang kakayanan ng bawat isa sa pagpapatupad ng mandato alinsunod sa itinaktadang Frame work ni PNP Chief, PGEN Rodolfo S. Azurin Jr.

Matatandaang ipinatupad ni PNP Chief Azurin Jr. ang “MKK=K Program” kung saan isa sa mga pagtutuunan ng pansin dito ang istriktong pagsunod sa batas sa ilalim ng Marcos administration.

Ito’y upang matiyak na magiging makabuluhan ang kanyang pamumuno sa PNP sa ngalan ng kapayapaan at kaayusan sa bansa partikular na sa mga barangay.

Nakapaloob sa “MKK=K” framework ang malasakit, kaayusan, kapayapaan, at kaunlaran.

Sinasalamin dito ang malasakit sa buong hanay ng kapulisan para i-address ang external and internal issues ng organisasyon.

Kasama na rito ang maayos na relasyon ng PNP sa mga komunidad at iba pang ahensiya ng pamahalaan at muling kumbinsihin ang publiko na ang mga pulis ay handang rumisponde sa anumang oras ng pangangailangan.

Pin It on Pinterest