News

Community Pantry on Wheels, muling bubuhayin sa General Luna

Humupa man ngayon ang mga ipinapatupad ng mga lockdowns kumpara sa mga nakalipas na dalawang taon ng pandemya, hindi pa rin maikakaila ang kakapusan ng ilan sa pang-araw-araw dahil naman sa pagtaas ng mga bilihin.

Sa bayan ng General Luna sa Quezon, binabalak ang muling paggulong ng Community Pantry on Wheels upang matulungan ang mga nangangailangan.

Dati nang sinimulan at nakapagbigay ng tulong sa madaming pamilya sa iba’t ibang barangay ng General Luna ang proyekto.

At ngayong buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre, ay nagsisimula na muli ang mga organizers na mangalap ng tulong.

Ang maiipon anila na koleksyon ay ipapamahagi sa mga pamilya ng mapipiling barangay sa bayan sa darating na buwan ng Disyembre.

Inspirasyon ng pagbabayanihan na ito ang Maginhawa Community Pantry na binuksan ni Ana Patricia Non noong kasagsagan ng mga ipinapatupad na mga quarantine upang makatulong sa mga nangangailangan.

Tumatak ang tagline ng community pantry na “Kumuha Batay sa Pangangailangan, Tumulong Batay sa Kakayahan.”

Pin It on Pinterest