News

Commuter at jeepney driver sa Lucena City, sang-ayon sa seminar na nagsusulong ng malinaw na mata para sa ligtas na pagmamaneho

Pabor ang ilang mga residente sa Lungsod ng Lucena partikular ang mga commuters hinggil sa seminar na nagsusulong ng malinaw na mata para sa ligtas na pagmamaneho.

Sa panayam ng Bandilyo.ph at 89.3 FM Max Radio, sinabi nitong importante raw na malinaw ang paningin ng isang driver para makaiwas sa aksidente.

“Para makita yung pasahero at tsaka yung daan, disgrasya”, sabi ni Emmalyn.

Ayon naman kay Michael, isang jeepney driver, sang-ayon ito dahil importante raw ang kahalagahan ng check-up sa mata upang masiguro na ito ay malinaw at kayang kaya pang makapag maneho ng isang driver.

“Sang-ayon po ako doon para maiwasan ang aksidente at kung malabo eh hindi.”

Mababawasan din aniya ang aksidente sa mga lansangan kapag malinaw ang paningin.

Sang-ayon din dito ang mga kapwa niya jeepney driver.

Sa pamamasada, hindi lamang kaligtasan ng mga driver ang kailangang iprioridad kundi pati ang mga sakay nito.

Kailangan maibigay sa pasahero ang kasigurohan na ang nagmamaneho para sa kanila ay nasa tamang kondisyon.

Sa kalsada, hinding hindi mawawala ang posibilidad ng mga aksidente at hindi inaasahang pangyayari.

Bukod sa Seminar ay mayroon ring libreng check-up, medical consultations at promo ng ilang produkto para sa mata.

Pin It on Pinterest