News

Concreting ng barangay roads sa Domoit, Lucena City target matapos sa taong 2023

Target ng Pamahalaang Pambarangay ng Domoit sa Lungsod ng Lucena na maisaayos ang lahat ng mga bako-bakong daanan sa lugar sa ilalim ng pamumuno ni Kapitan Ruel Trinidad para sa taong 2023.

Ito ang sinabi ni Trinidad sa panayam ng Bandilyo.ph at 89.3 FM Max Radio.

“Ang nakahanay sa amin dito sa proyekto dito sa 2023 ay mga puro concreting ng barangay roads at ito ay naka-allot sa 5 Purok at hinati-hati namin ito,” ani Kapitan Trinidad.

Kabilang sa mga purok na nakatakdang isagawa sa susunod na taon upang maging maayos ang daanan ay ang mga Purok ng Ilang-Ilang, Sampaguita Ibaba, Sampaguita Ilaya, Rosas, Dame De Noche at Jasmin.

“Itong Purok Ilang-Ilang meron din kami doong concreting worth of P1M, itong Sampaguita Ibaba at Ilaya hinati namin ng tig P500,000. Ito namang Purok Rosas ay concreting rin ng Barangay Road dito sa tagiliran ng South Emerald at itong Dama De Noche concreting din ng barangay Road sa likod naman ng Ilaya Mart tapos dito sa Purok Jasmin ganoon din concreting of barangay Roads dito sa Urban Poor,” saad ni Trinidad.

Ayon sa Punong Barangay, ang concreting of roads ay isa sa hakbang ng barangay upang hindi umano mahirapan ang mga motorista at mga residente lalo na tuwing tag-ulan.

Sa ngayon nasa 60% hanggang 70% na raw ang naisasaayos na kalsada sa nasasakupan.

Pin It on Pinterest