News

Cong. Kulit Alcala hindi rin pabor sa appointment ng Brgy. Officials

Hindi pumapabor si Quezon 2nd District Congressman Vicente Alcala sa balak ng administrasyong Duterte na mag-appoint na lamang ng mga barangay officials sa halip na ituloy ang eleksyon nito sa darating na Oktubre. Ayon kay Alcala, naniniwala siyang sa mga maliit na komunidad katulad ng barangay ay dapat na ang mga mamamayan nito ang mamili sa kanilang magiging lider. Ang mga taga-barangay aniya dapat ang boboto at magbibigay ng mandato sa isang lider upang mamuno sa kanilang komunidad. Kapag anya itinalaga lamang ang isang punong barangay ay masisisi pa daw ang nag-appoint. Pero kung ang mamamayan ang mag-hahalal ay walang ibang pagbabalingan kundi ang mismong mamamayan din. Mas demokratikong paraan din ayon pa kay Alcala ang paghahalal ng isang opisyal ng barangay kaysa sa balak ng pamahalaan na appointee lamang ilagay dito.

Binanggit din ng 2nd District Congressman na dapat hayaang magpasya ang mamamayan dahil sila ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Wala na anyang mas tataas pa sa mga opisyal ng bansa kundi ang mga taong naghalal sa kanya sa pwesto ang sabi pa ni Cong. Vicente Alcala.

Samantala sa mga nakaraang bandilyo ay halos kapareho din ang sentimiyento ng karaniwang mamamayan ang sinasabi sa mga panayam. Mas gusto ng karaniwang Juan dela Cruz ang sila ang mamimili sa magiging lider ng kanilang barangay at hindi ang balak ng pamahalaang nasyunal na mag-appoint na lamang para dito.

Pin It on Pinterest