News

Cooking Competition para sa Nutrition Month isinagawa sa Batangas

Bilang bahagi ng 43rd Nutrition Month Celebration, isang vegetable cooking challenge ang isinagawa ng Provincial Health Office sa Lalawigan ng Batangas. Ang cooking challenge ay isinagawa sa una at ikalawang distrito ng lalawigan noong Hulyo 10 at 11. Nakasentro sa paggamit ng gulay na ampalaya bilang pangunahing sangkap ang patimpalak. Bagamat puno ng sustansya, ang ampalaya ay ayaw o madalang kainin lalo na ng mga bata dahil sa may kapaitan ang lasa ng gulay. Tinanghal na nagwagi sa pitong entries mula sa iba’t-ibang bayan sa unang distrito ang nilutong ampalaya mula sa bayan ng Lian. Hinirang naman ang luto mula sa San Pascual, ang Ampalaya Embutido with Mango bilang pinakamasarap sa mga bayan na lumahok sa ikalawang distrito.

Isasagawa naman ngayong linggong ito ang paligsahan sa ikatlong Distrito sa bayan ng Agoncillo at sa bayan ng Padre Garcia para sa ikaapat na distrito. Itatampok sa Hulyo 26 ang Grand Cooking Challenge alinsabay ng culmintating activity sa pagdiriwang ng Nutrition Month sa Provincial Capitol ng Batangas.

Pin It on Pinterest