Crime Rate sa Barangay Dalahican, bumaba!
Bumaba ang crime rate sa Barangay Dalahican sa Lucena City buhat nang ilunsad sa lugar ang Oplan Bisita Paalala Program kung saan isang linggong ipinatupad ang mas maigting na anti-criminality campaign gaya ng checkpoint operation, oplan sita, beat patrol, oplan tokhang, pagbabandilyo laban sa kriminalidad at iba pa. Ito ay sa pagtutuwang ng Sangguniang Barangay at kapulisan.
“Nakita natin sa loob ng one-week na ating activity na ang PNP mismo ang nagsabi na walang reported criminal activity dito sa barangay at ramdam po ‘yan ng Lucena PNP walang reklamo, walang complaint yoon po ‘yung nakita namin. Nakita rin po naming ang mga taong involved sa iligal na droga,” ani Kap. Roderick Macinas.
Sinabi ni Kapitan Roderick Macinas, hindi bababa sa 14 na indibiwal na sangkot sa iligal na droga ang sumuko sa kanila at isasailalim sa rehabilitation program.
Nitong Setyembre 28 nagtapos ang programang Oplan Bisita Paalala Progaram sa ilalim ng Oplan Bagong Henerasyon ng Barangay Dalahican. Sa loob ng isang linggo naramdaman ng mga residente sa lugar ang presensya ng mga pulis.
“Malakas po ang naging impact sa ating mamamayan dahil nakita po nila ‘yung visibility ng ating PNP. Bumababa po sila kasama po ang nanunungkulan sa barangay so naramdaman nila ‘yung presence ng PNP. Ang kagandahan noon ‘yung ilang mamamayan na nakakaalam ng mga illegal na gawain sa lugar ay nagsusumbong sa amin,” saad ni Kap. Macinas.
Nagpaalala din dito ang mga awtoridad sa pampublikong pamilihan ukol sa implementasyon ng minimum safety and health protocols at intensified crime interventions upang maiiwasan ang kriminalidad.
Kahit natapos na ang naturang programa sa kanilang lugar sinabi ni Kap. Macinas na hindi magwawakas ang kampanya sa kanilang komunidad laban sa iba’t ibang kriminalidad. Sila mismo raw sa barangay ang magpapatupad ng mga batas laban upang mapanatili ang peace and order situation sa kanilang barangay. Katuwang mga police personnel na naka-duty sa kanilang lugar magpapatuloy raw ang ilang nilalaman ng Oplan Bisita Paalala.
“Hindi lang dito natatapos ang programa ng Oplan Bisita Paalala dito sa Barangay ng Dalahican gusto po natin ma-maintain ‘yung peace and order. Naniniwala po ako na hindi magiging epektibo ang program kung tapos agad sa isang linggo lang,” sabi ni Kap. Macinas.