Criminology student, patay sa pamamaril
Dead on arrival ang 22-anyos na criminology student matapos barilin nang malapitan sa Barangay Quinabigan sa Pinamalayan, Oriental Mindoro.
Batay sa ulat, may bibilhin lamang ang biktimang kinilalang si Jayvie Boy Bullos sa tindahan nang lapitan ito ng suspek at binaril gamit ang cal. 45.
Sa imbestigasyon, nahaharap umano ang biktima sa kasong rape sa 21-anyos na pamangkin ng suspek na nakilalang si Gregorio Mejico, higit 50-anyos.
Oktubre 2023 umano nang kasuhan ang estudyante ngunit nakapagpiyansa noong Nobyembre.
Patuloy naman ang ginagawang manhunt operation ng mga awtoridad.

