News

Daan-daang Tayabasin nakilahok sa TayaBASAAN 2023

Isang kakaibang pag-gunita sa Lingo ng Pagkabuhay ang isinagawang TayaBASAAN ng Sangguniang Kabataan Federation of Tayabas sa pamumuno ni SKF President Art Tristian Berroya Pontioso.

Daan-daang Tayabasin, karamihan ay mga kabataan ang dumagsa sa Parke Rizal upang literal na magpakabasa sa buga ng tubig mula sa firetruck ng BFP Tayabas o pusit ng water gun, maglaro sa bula, sumayaw, umawit at magpakasaya sa TayaBASAAN 2023.

Sinuportahan ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa pamumuno ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang TayaBASAAN na magsisimula nang maging bagong tradisyon ng mga Tayabasin sa pagdiriwang ng Easter Sunday.

Samantala, naka stand by naman ang PNP Tayabas para magpanatili ng kapayapaan sa nasabing aktibidad.

Pin It on Pinterest