News

Dagdag-singil sa pasahe, hindi pa maipatupad ng maraming jeepney driver sa Lucena City

Nanatili pa rin sa 11 pesos ang singil sa pasahe ng maraming jeepney drivers sa Lucena City kahit na ipinatupad na noong lunes ang bagong minimum fare sa pampasaherong jeep at ilan pang uri ng pampublikong sasakyan.

Ang kawalan ng fare matrix ang dahilan kung bakit hindi pa sila makapagtaas ng singil sa pasahe karamihan sa mga tsuper nagsisimula palang na asikasuhin ang pagkuha ng taripa.

‘’e yung pangulo po namin ang nalakad, inaasikaso palang dagdag kita sana po sana kaya lang wala pa” ang sabi ni Reniel, isang Tsuper

“Hindi pa po at wala pang Taripa, inaabyad pa po ng nag-aabyad ng papel namin, pupunta pa po ng Lipa” ayon naman kay Ed.

Hanggat walang taripa na nakapaskil sa mga pampasaherong Jeepney hindi pa pinahihintulatan ang mga tsuper na maningil ng dadag na pamasahe.

Maging si Meliton na isa ring tsuper ay hindi masabi kung kailan siya makakapag taas ng singil dahil sa wala pa ring taripa.
‘’ E bawal baka tayo maireklamo eh, kalian kukunin? Eh ewan ko kay boss.”

Ang Jeepney Driver na si Mamang Danny, may fare guidline na para sa dadag na pasahe sa Jeepney, pero nanatili parin sa 11 pesos ang kanyang singil sa pasahero, hindi pa rin niya kasi ito naipapaskil sa kanayang minamanehong jeep, pero sa sususnod na araw ididikit na raw niya ito.

‘’Ay hindi ko pa nailalagay ‘yung taripa, papaxerox ko muna ngayon lang ni-release

Pero ang ilang pasahero simula noong lunes nagbabayad na ng 12 pesos.

‘’may nagbibigay din naman ng 12 kaya lang hindi pa naman kami naniningil pa, yung iba binabalik naman, yung iba hindi naman kinukuha na”-Ed, Jeepney driver

Samatala, sa tala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), anim na porsiyento pa lamang ng mga target na Public Utility Vehicles (PUVs) ang nakakuha ng kopya ng bagong fare matrix.

Sa mga puv driver na hindi magpapaskil ng fare matrix ay papatawan ng P5,000 multa alinsunod sa Joint Administrative Order No. 2014-001.

Pinayuhan ng LTFRB ang mga pasahero na isumbong ang mga pasaway na PUV.

Pin It on Pinterest