News

Dagdag-singil sa pasahe tila wala raw saysay sa patuloy na oil price hike

Tila wala raw saysay ang dagdag-pasahe sa mga pampublikong transportasyon dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Katulad pa rin daw ng dati, halos wala pa ring kinikita, ‘yan ang sentimyento ng ilang jeepney driver sa Lucena City kaunay ng pagpapatupad muli ng panibagong dagdag-presyo sa petroleum products.

“Parang hindi rin nagtaas gawa ng dumagdag ang gasolina wala ring saysay ‘yun? Wala rin,” sabi ni Bernardo na isang tsuper.

Sabi ng tsuper na si Peter, hindi nila maramdaman ang dagdag-singil sa pasahe, na tila nawalan ng saysay sa patuloy na bigtime oil price hike.

“Wala ring saysay halos parehas din ng dati dahil din wala pang masyadong pasahero dahil din sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasoline,” ayon kay Mang Peter na isang tsuper.

Sabi tuloy ng isang jeepney driver, tila naging pakonwelo na lang sa kanila ang pisong dagdag-singil sa pamasahe sa labis at patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.

“Pakonswelo de bobo wala namang sinasabi papiso-piso, ang krudo bumababa ng piso, tumaas ng lima,” sabi ng isang tsuper.

Epektibo ngayon ang muling pagpapatupad ng oil price hike. Maraming kompanya ng langis ang nasa tatlong piso ang itinaas sa kanilang produktong petrolyo.

Pin It on Pinterest