News

Dahil sa utos na bawal ang contractualization kaya mababa ang hired-on-the-spot sa Job Fair –Mr. Edwin Hernandez, DOLE Quezon Director

Ipinaliwanag ni DOLE Provincial Director Edwin Hernandez ang tila pagbaba ng mga hired-on-the-spot o mga aplikanteng sa jobs fair pa lamang na isinagawa ng DOLE ay sigurado nang may trabaho. Ayon kay Hernandez, isang dahilan anya nito ay ang kautusan ng nasyunal na pamahalaan na itigil ang kontraktwalisasyon o ENDO kung saan lima hanggang anim na buwan lamang ang kontrata ng isang empleyado. Sa ngayon kasi ayon kay Hernandez ay mayroong anim na buwang probisyon ang isang matatanggap na empleyado at matapos pa lamang ang anim na buwan malalaman kung akma ba ang tinanggap na empleyado para sa kumpanya. Karaniwan na rin anyang hindi direct hire o hindi direktang emplyado ng isang kumpanya ang mga tauhan nito dahil dumadaan ito sa mga recruitment agencies. Kapag hindi nagustuhan ng kumpanya ang trabaho ng isang empleyado ay maaari nitong sabihin sa agency na palitan agad hindi katulad ng direct hire na emplaydo na may mga pagdadaanan pang proseso bago maalis o mapalitan.

Sa kasalukuyan ay inilalaban pa rin ng iba’t ibang labor groups ang pagtanggap ng malalaking kumpanya ng kanilang mga tauhan na may kontratang lima hanggang anim na buwan lamang upang makaligtas sa itinatadhana ng batas na kailangang bigyan ng benepisyo ang mga empleyado. Ilan dito ay ang pagiging miyembro ng SSS, Philhealth at Pag-Ibig Fund na kailangang makihati ang isang kumpanya sa ibinabayad na kontribusyon.

Iniintay hanggang sa ngayon ng mga manggagawa ang isang solidong hakbang ng pamahalaan sa pamamagitan ng isang batas na tuwirang tutuldok sa kontraktwalisasyon.

Pin It on Pinterest