Dapat bang isapubliko ng mga opsiyal ang kanilang mga SALN?
Isinapubliko nina Akbayan Partylist Representatives Chel Diokno, Perci Cendaña, Dadah Kiram Ismul, at Dinagat Islands Rep. Arlene Bag-ao ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) bilang pagpapakita ng transparency sa publiko.
Anila, hindi lamang ito basta compliance kundi isang commitment para maging bukas at tapat sa kanilang paglilingkod.
Mas lumutang pa ang usapin dahil sa kontrobersyal na pagdinig sa maanomlayang flood control project.
Narito ang opinyon ng ating mga Ka-Bandilyo batay sa isinagawang Facebook Poll at mga nagpadala ng kanilang mga saloobin sa dyaryobandilyoph.@gmail.com
“Oo dapat lang po. Kasi baka makatulong sa paghahanap sa itinagong mga luxury car. Kaso wala na rin mang pag-asa kasi po ang Senado ay puro lang ‘yan imbestiga para lang palabasin na may ginagawa sila. Nakakawalang pag-asa ang kanilang mga kilos dahil wala talaga silang plano na mapanagot ang mga korap nay an. Takot sila sa kanilang multo. Nagsasayang ng oras tapos wala din namang mananagot. Mas mabuti sigurong tumigil na sila kasi sumasakit na ang bungo ng sambayanan.” – RONNIE BAGUIO
“Depende. Kasi pwede itong magdulot ng panganib sa mga opisyal at kanilang pamilya. Kapag hindi kaalyado o napipisil na tumakbo sa susunod baka gamitin sa political harassment. Baka ipangsira sa kalaban sa pulitika.” – JODEL MARQUEZ
“Isapubliko na dapat. Gaya ng lagi nating naririnig kung wala namang ginagawang masama o itinatago bakit ayaw pang ilabas? Karapatan din ng publiko na malaman lalo na kung mayroong mga kongresista na lumulobo na pala ang yaman.” – CRISELDA PEREZ
“Oo. Kita niyo ang nangyayari ngayon. Yong mga damit, alahas at sasakyan ay hindi naman kaya nilang bilihin base lamang sa kanilang sweldo. Kaya dapat maging transparent. ‘Diba yong halimbawa 50k ang sweldo tapos ang relo e milyon-milyon at nakaluxury car pa.” – TONY LACUESTA
“Tama naman na isapubliko dahil sila ay opisyal kaya dapat ang mga gustong maglingkod sa bayan ay hindi mangangamba na mabusisi ang kanilang pribadong buhay. Dapat pag pumasok ka sa pulitika tanggapin mo na ang buhay mo ay bukas ng libro kumbaga sa FB bawal ang naka-lock profile at nakacustomize. Dapat public.” – PATRICK MANALO
—————————————————————————————————————————————————-Opinyon Mo, IBandilyo Mo!
Bukas ang Dyaryo Bandilyo sa inyong mga opinyon, saloobin at reaksyon sa mga isyung mahalaga sa komunidad.
500-700 salita, orihinal, nakasulat sa wikang Filipino.
Ipadala sa dyaryobandilyoph@gmail.com.

