Dating 4th district representative ng Quezon, tinutulan ang pag-aresto kay Rappler CEO Maria Ressa
Mariing tinutulan ng dating kinatawan ng ikaapat na distrito ng Lalawigan ng Quezon at tumatakbo ngayong senador Erin Tañada ang pag-aresto kay Rappler Ceo Maria Ressa.
Sa eksklusibong panayam ni Konsehal Nicanor Manong Nick Pedro Jr. sa 89.3 FM Max Radio kay Tañanda, iginiit nito na walang basehan ang pag-aresto sa premyadong mamamahayag.
Aniya, wala pang cyberlibel nang ilabas ang artikulo laban sa negosyanteng si William Keng kaya hindi dapat kasuhan si Ressa.
Dagdag pa ni Tañanda, hindi ito ang unang pagkakataon na kinasuhan ang Rappler kaya tila may ipinaparating na mensahe ang administrasyon.
Maaari umanong sinasabi ng pamahalaang Duterte na ganito ang mangyayari kapag binatikos ang pamamalakad ng gobyerno.