News

Definition ng Solo Parent, pinalawak sa bagong batas

Ganap nang epektibo ang Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parent Welfare Act ngayong Nobyembre.

Sa ilalim ng bagong batas, may mga karagdagang benepisyong matatanggap ang mga solo parent.

Ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo naaayon sa batas na bawat solo parent ay makatatangap ng 1,000 pesos na sabsediya mula sa LGU, isa pa sa benepisyo ay ang awtomatikong pagiging miyembro ng Philhealth.

Kasama rin sa benepisyo ay ang exemption sa Value-Added Tax at 10% na discount tulad sa mga diaper at gatas mula sa pagkapanganak sa bata hanggang anim na taong gulang.

Kabilang din dito ay ang pagbibigay prayoridad sa mga solo parent na naghahanap ng trabaho at maaari ding mag apply sa Sustainable Livelihood Program ng DSWD sa mga walang hanapbuhay.

Prayoridad din sila ng pamahalaan para sa murang pabahay ng National Housing Authority, karagdagang 1week vacation leave at scholarship sa anak ng isang solo parent mula sa DepEd, CHED at TESDA.

Sa inamyendahang batas ay mas lumawak pa ang definition ng pagiging solo parent, hindi nalang ang mga hiwalay sa asawa, iniwan ng kanilang asawa, naanakan o walang asawa.

Kasama na rin ang mga asawa ng OFW na mawawalay sa kanilang asawa ng higit isang taon ay maaaring mag apply ng solo parent ID.

Kasama pa rito ang pagkakaroon ng anak dahil sa rape kahit wala pang final conviction, namatayan ng asawa, naka kulong ang asawa ng tatlong buwan o higit pa, mentally challenge ang asawa at legal separation.

Dagdag pa ni Sec. Tulfo pinag uusapan na ng DSWD at DILG ang pagkakaroon ng central data bank na naglalaman ng mga listahan ng Solo Parent.

Pin It on Pinterest