DENR-4A nanawagan sa mga pribadong sektor na magtanim ng puno bilang bahagi ng Corporate Social Responsibility
Nananawagan ngayon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Calabarzon sa mga pribadong sektor na mapagtuonan ng pansin ang pagtatanim ng mga puno bilang bahagi ng kanilang Corporate Social Responsibility.
Hiniling na ahensiya na maging katuwang ang mga ito sa pagpapanumbalik ng mayabong at sustainable environment.
Ayon sa DENR, nasa 500,000 punla ang handa nilang ipamahagi sa mga grupo at organisasyon na nais magtanim ng mga puno pagdating ng tag-ulan.
Ang Regional Seedling Production and Training Facility naman ng ahensiya na matatagpuan sa Calauan, Laguna ay nangangalaga ng nasa 300,000 punla.
Hinikayat din ni Regional National Greening Program Coordinator Herminigildo Jocson ang pribadong sektor at iba pang organisasyon na mag-request ng mga punla mula sa Regional Nurseries.