News

DENR, naglabas ng show-cause order sa mga istraktura sa Marilaque Protected Area

Nag-isyu ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng mahigit sa 200 show-cause orders laban sa mga istrakturang nakatayo sa protected area sa bahagi ng Marikina-Rizal-Laguna-Quezon (Marilaque) Highway.

Ayon kay DENR Calabarzon Regional Executive Director Nilo Tamoria, kapuna-puna ang mga naturang istruktura sa loob ng protected area.

Sa pamamagitan aniya ng show cause order, binibigyang pagkakataon ang mga naninirahan o nag-o-operate ng establishment sa loob ng Protected Area na makapagpaliwanag kung bakit sila naroon.

Susuriin ng DENR Calabarzon ang mga paliwang at kalakip na dokumentong iprinisinta ng mga may-ari ng mga istruktura.

Sakaling ang pananatili o/at pagtatayo ng istruktura ng isang okupante ay iligal, papatawan ang may-ari ng kaukulang Notice to Vacate o/at Cease and Desist Order at ang may-ari ng istruktura ay maaaring pagmultahin o sampahan ng kaso.

Ayon sa National Integrated Protected Areas System Act of 1992 (RA 7586, as amended), kailangan ng permiso mula sa Protected Area Management Board (PAMB) at sa DENR bago manatili o magtayo ng kahit anong istruktura sa loob ng protected area.

Pin It on Pinterest