News

DENR Quezon patuloy ang pagbabantay sa lalawigan

Patuloy ang isinasagawang kampanya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Quezon Provincial Police Office (QPPO) upang malutas ang iligal na pamumutol ng puno sa Lalawigan ng Quezon. Sa datos ng ahensya, nakumpiska ng kapulisan ang 94 piraso ng tinistis na ‘Lawaan’ na nagkakahalaga ng P24,000 sa bayan Burdoes matapos na isumbong ng isang concerned citizensa pulis.

Sa Alabat, Quezon, 8 piraso ng tinistis na Mahogany ang nakumpiska rin ng pulisya kasama ang Municipal Environment and Natural Resources Officer. Ang lahat ng mga nakumpiskang kahoy ay nasa pag-iingat ng MENRO at inihahanda ang kaukulang kaso na isasampa sa mga taong nahulihan ng iligal na tinistis na kahoy. Kaugnay nito hinikayat ng DENR at ng QPPO ang publiko na isumbong sa kanilang tanggapan ang anumang kahina-hinalang kilos ng mga taong gumagawa ng iligal na pamumutol ng kahoy.

Pin It on Pinterest