News

Department of Trade and Industry nagbabala sa mga negosyante

Nagbabala ang Department of Trade and Industry sa mga negosyante hindi lamang sa CALABARZON region kundi maging sa buong bansa ukol sa hindi makatwirang pagtataas ng presyo ng kanilang mga paninda o bilihin na ang gagamiting dahilan ay ang TRAIN o Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act. Ayon sa ahensya, hindi dapat na tumaas ng malaki ang mga bilihin lalo na sa mga sari-sari stores dahil maliit lamang anila ang magiging karagdagan ng presyo sa magiging epekto ng TRAIN. Ayon naman kay DTI Sec. Ramon Lopez, ang mga bilihin katulad ng mga delata ay halos limang sentimo lamang bawat isa ang itataas. Kung ang pagbabasehan naman aniya ay ang magiging karagdagan sa presyo dahil sa mahal ng pamasahe ay dapat na otsenta sentimo lamang ang itaas sa pamasahe sa halip na apat na pisong hiling ng mga tsuper at operator ng mga jeepney. Nilinaw naman ni Lopez na ang LTFRB pa rin naman ang magpapasya tungkol sa pamasahe at hindi ang DTI.

Idinagdag pa ng Department of Trade and Industry sa Lalawigan ng Quezon na kapag mayroon silang nakita o nahuling nagtataas ng sobra sa kanilang mga paninda ay pagpapaliwanagin ito ng ahensya. Kung may paglabag anila sa alituntunin ng DTI ay maari rin itong mapatawan ng hindi bababa sa dalawampung libong piso hanggang isang milyong pisong multa bawat tindahan na nagkitaan ng paglabag.

Pin It on Pinterest