News

Deployment preparations sa Undas, kasado na sa mga barangay na may sakop ng sementeryo sa Lucena City

Kasado na ang deployment preparations ng Barangay Market View sa Lungsod ng Lucena para sa paggunita ng araw ng mga patay.

Isa kasi ang nasabing barangay na mayroong nasasakupang sementeryo.

Ayon kay Kap. Edwin Napule, agad silang nagsagawa ng pagpupulong kahapon para sa seguridad ng publiko ngayong undas.

“Lahat po ng technical staff natin simula sa Barangay Tanod ay naka full deployment dahil lahat po ng mga lugar kung saan ay kailangan po nilang bantayan ay ito po ay babantayan nila ng isangdaang prosiyento,” sabi ni Kap. Napule.

Aniya, magsisimula ang pagbabantay ng mga tauhan ng Brgy. Market View sa sementeryo simula October 28 hanggang November 3 bilang bahagi ng crime prevention strategy nito upang siguraduhing ligtas ang Undas.

“We will start on 28 po mula po sa 28 ito po ay atin pong pababantayan na dahil marami na pong bumibisita nito at it will last until November 3 sa atin po sa level po ng barangay,” pahayag ni Kap. Napule.

Samantala, kasado na rin ang deployment preparations ng mga tauhan ng Barangay Ibabang Dupay upang magbantay para sa Undas.

Bukod sa mga tauhan ng barangay, magpapakalat daw si Kagawad Nilo Sadia ng Volunteer Barangay Intelligence Network na siyang makikipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa araw ng mga patay.

“May mga barangay volunteer auxiliary po tayo yun tinatawag ko pong Barangay Intelligence Network at makikipagtulungan sa kapulisan at makikipagtulugan sa iba’t ibang sector ganon din po yung in different sector pinaaalis ko po yung mga damit nila ang trabaho nila they are gathering information,” ayon kay Kap. Edwin Napule.

Nauna nang nagsagawa ng pagpupulong ang Local Government Unit ng Lucena sa mga concerned agencies hinggil sa mga alituntunin para sa mga dadalaw sa kanilang pumanaw na mga mahal sa buhay sa Undas.

Pin It on Pinterest