News

DICT, walang balak palawigin ang deadline ng SIM Card Registration

December 27, 2022 sinimulan ang SIM Card Registration kung saan nakasaad sa R.A. 11934 o SIM Card Registration Law, kailangang irehistro ng lahat ng mobile subscribers ang kanilang SIM cards.

Tutulong ang batas na ito na sugpuin ang mga krimen tulad ng mobile phishing, text at online scams, panloloko, at identity theft.

Binigyan ng mahigit apat na buwan ang mga Existing SIM subscribers para iparehistro ang kanilang SIM, habang magreresulta ng automatic deactivation kung hindi ito naparehistro sa loob ng itinakdang registration period.

Ayon sa DICT o Department of Information and Communication Technology, wala na silang plano pang palawigin ang deadline para sa SIM card registration na nakatakda nang magtapos sa April 26, 2023.

Iniulat rin ng DICT na ang bilang ng mga nairehistrong SIM card sa ngayon ay malayo pa sa kanilang target.

Sa datos ng DICT, nabatid na hanggang 11:59 ng gabi ng April 9, nasa 64,114,057 SIMs pa lang ang nairehistro.

Ito ay 37.94% pa lamang o wala pang kalahati ng may 168.977 milyong SIMs na naipagbili sa buong bansa.

Pin It on Pinterest