News

‘Digital marketing’ training ikinasa para sa mga magsasaka

Sumailalim sa isang pagsasanay ang nasa 11 samahan ng magsasaka sa Calabarzon para mapalawak ang kaalaman sa pangangalakal o pagbebenta ng kanilang mga agrikultural na produkto.

Ang digital marketing ay ang pag-aalok at pagbebenta ng produkto o serbisyo gamit ang ‘digital’ na pamamaraan sa pamamagitan ng computer o smart phone, partikular ang paggamit ng social media networks, mga aplikasyon, at internet.

Ayon kay Agribusiness Promotion Section Chief Richmond Pablo mula sa Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ng DA-Calabarzon, kinakailangang sumabay ng mga Farmers Cooperatives and Associations (FCAs) sa mga napapanahong paraan kung saan ang mga mamimili ay natuto sa malawakang paggamit ng digital technologies.

Layon umano ng aktibidad na palakasin ang kapasidad ng mga magsasaka, partikular ang mga Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs), sa pagbuo ng mga estratehiya tungo sa sustainable at malawak na paraan ng pangangalakal.

Ilan sa mga tinalakay sa pagsasanay ay ang pagpapaunlad ng pangalan at presensya ng organisasyon, paggagawa ng business model, pakikipag-ugnayan sa mga mamimili, proseso ng pagbabayad, at iba pa, gamit ang social media networks o internet.

Pin It on Pinterest