Diskwento Caravan ng DTI lumarga na
Nagsimula na ang Department of Trade and Industry Laguna Office ng kanilang Diskwento Caravan Balik Eskwela Edition sa bayan ng Magdalena. Ka-partner ang iba’t ibang distributors, manufacturer at lokal na mga producers ay makaka-avail ang mga taga-Magdalena sa lalawigan ng Laguna ng mga mura pero dekalidad na mga gamit pang-eskwela ng kanilang mga anak. Dinagsa ng mga mamimili ang Diskwento Caravan upang samantalahin ang mga mabababang halaga ng bilihin. Nagbigay din ng mga freebies ang mga nakilahok sa Carvan upang mawiling magparticipate ng ang mga residente sa kung saang bayan o syudad man gawin ng DTI ang aktibidad.
Base naman sa DTI Laguna June 2 ay nasa Mabitac ang Diskwento Caravan habang sa June 4 ay lilipat ito sa Canviti sa Lalawigan pa rin ng Laguna. Inaasahan naman na sa ibang probinsiya sa CALABARZON ay nag-umpisa na rin ang kaparehong proyekto upang makatulong sa mga consumer na makatipid at makakuha ng dekalidad na mga produkto.